Verse 1
Sa gilid ng mundo, ikaw ang tanaw,
Mata’y sumusunod sa bawat galaw.
Walang imik pero ako’y nadadala,
Sa’yo ko lang ito nadarama
Refrain
Sa isip ko lang nasasabi,
Mga salitang ‘di masabi.
Chorus
Ikaw ang lihim na ‘di ko maamin,
Ikaw ang laman ng bawat damdamin.
Sa bawat tingin, ako’y nahuhumaling,
Ikaw pa rin ang hahanapin… hahanapin.
Verse 2
Sa bawat hakbang, puso’y natataranta,
At damdamin ko’y ‘di masabi sinta,
Bawat iwas sa’yo’y kaba ang nadarama,
Sa mata ko’y lihim ay kusang mabasa.
Refrain
Sa isip ko lang nasasabi,
Mga salitang ‘di masabi.
Chorus
Ikaw ang lihim na ‘di ko maamin,
Ikaw ang laman ng bawat damdamin.
Sa bawat tingin, ako’y nahuhumaling,
Ikaw pa rin ang hahanapin… hahanapin.
Bridge
Kung sakaling mapansin mo,
Tibok ng puso kong ito,
Magbabago kaya ang mundo,
O mananatili na lang ganito?
Chorus
Ikaw ang lihim na ‘di ko maamin,
Ikaw ang laman ng bawat damdamin.
Sa bawat tingin, ako’y nahuhumaling,
Ikaw pa rin ang hahanapin.
Outro
Ohhhh…
Kung sasabihin ko…
Ohh... O mananatili pa ring… ganito?