Lyrics into Song 歌詞產生器 價格 我的歌曲

Valerio

Song generated By ✨LyricsintoSong.com

Song Cover
v1

@ Ms. Cez

2026-05-27 11:24:45

歌詞

Verse 1
Sa aming teris tuwing umaga,
Tayo’y magkasamang nagkakape pa.
Tahimik ang hangin, payapa ang paligid,
Ngunit sa piling mo, lahat ay may tinig.

Pagkagising ko, kape’y nakahanda,
Simpleng gawain, pero punô ng saya.
Sa bawat timpla mong may lambing at pag-asa,
Parang yakap mong hindi ko na hinahanap pa.

Verse 2
Isang tasa lang ang lagi mong dala,
Hindi dalawa, kundi isa para sa ating dalawa.
Salitan tayong umiinom sa bawat umaga,
Isang simpleng tasa, proof of love nating dalawa.

Sa teris tayo’y laging magkatabi,
Habang kape’y mainit at mundo’y payapa pa rin.
Munting sandali, pero buong buhay ang laman,
Kapag kasama ka, lahat ay gumagaan.

Pre-Chorus
Tahimik ka man sa karamihan,
Ngunit ikaw ang ligaya ng tahanan.
Kapag ikaw ay nagsalita at nagbiro,
Ang lungkot ay napapalitan ng tawa ko.

Chorus
Ang teris ay saksi sa ating pagmamahalan,
Sa bawat umagang may simpleng kwentuhan.
Isang tasa ng kape, isang pusong totoo,
Ikaw at ako, hanggang dulo ng mundo.

At kahit simpleng araw lang ang dumaan,
Parang espesyal kapag ikaw ang kasama.
Ikaw ang pahinga, ikaw ang tahanan,
Ikaw ang dahilan ng aking kasiyahan.

Verse 3
Mahilig kang magplano ng ating lakaran,
Kasama ang mga anak at apo nating mahal.
Abala ka sa kusina habang nag-aasikaso,
Ngunit ang presensya mo’y parang ilaw sa puso.

Pinagmamasdan kita sa bawat sandali,
At iniisip kong habang buhay kang kapiling.
Akala ko’y marami pa tayong bukas,
Marami pang kape sa umagang masarap.

Bridge
Ngunit isang araw, biglang nagbago ang lahat,
Walang paalam, walang huling yakap o salita.
Parang hangin kang biglang naglaho sa paningin,
At naiwan akong may bitbit na sakit at dilim.

Noong Abril 26, 2026,
Bigla kang nawala, Valerio. 💔
Parang huminto ang oras sa teris nating minahal,
At ang lahat ng alaala ay naging luha na lamang.

Final Chorus
Ang teris ay nandito pa...
Ang tasa'y nandito pa...
Ang kape ay nandito pa...
Pero wala ka na...

Wala nang magtitimpla ng kape sa umaga,
Wala nang magpapayong sa aking paglalakad.
Wala nang tahimik na boses na nagpapatawa,
Wala nang ikaw na aking kasama.

Ang teris ay nandito pa...
Ang tasa'y nandito pa...
Ang mga alaala ay nandito pa...
Pero wala ka na...

Outro
Sa bawat umagang sisikat ang araw,
Ikaw pa rin ang unang laman ng aking isip at dasal.
Sa bawat higop ng kape, sa bawat patak ng luha,
Mahal kita, Valerio… hanggang sa huli.

音樂風格

Classical, Cinematic, Adventurous, Energetic, Inspirational, Mysterious, Motivational, Female Vocals, Organ, Piano, Keyboard, Electric Guitar, Violin, Moderate (76-108 BPM)