Lyrics into Song Gerador de Letras Preços Minhas Músicas

Kailanman

Song generated By ✨LyricsintoSong.com

Song Cover
v1

@ CJ Tanalgo III

2026-05-15 19:58:00

Letras

Nagsimula sa sari-sariling buhay,
Pagkakakilala ay hindi hinintay
Subalit tadhana ang nagbigay
Na sa panahon ngayo'y pinagtibay

Isang hindi inaasahan,
Subalit lubos na biyayang hatid ng kataas-taasan
Nang anumang bagay ay di mapapantayan
Kailanman ay hindi mapapalitan

Pagkakaibigang tunay
Katapatan at pagmamahal ay inialay
Kalinga at pagpapasaya'y binibigay
Liwanag sa bawat isa ay ipinasisilay

Hinamon ng kapalaran,
Ilang pagkakataon na nagkatampuhan
Ilang beses nagkasakitan
Subalit bawat isa ay hindi sinukuan

Tunay na hindi maipagpapalit,
Dahil sa kaniya'y wala nang hihigit,
Sa pagsubok sa isa't isa kakapit,
Hanggang sa tagumpay ay masapit

Pagkakaibigang tunay
Katapatan at pagmamahal ay inialay
Kalinga at pagpapasaya'y binibigay
Liwanag sa bawat isa ay ipinasisilay

Hinamon ng kapalaran,
Ilang pagkakataon na nagkatampuhan
Ilang beses nagkasakitan
Subalit bawat isa ay hindi sinukuan


Isang hindi inaasahan,
Subalit lubos na biyayang hatid ng kataas-taasan
Nang anumang bagay ay di mapapantayan
Kailanman ay hindi mapapalitan....

Kailan man...

Estilo de Música

It is a Filipino Lyrics, turn it into a emotional, heart touching, grateful, and proud song that will deliver a sufficient feeling and touch to the heart, a reason to those who listen feel the love., Sentimental, Male Vocals, Slow (66-76 BPM)